11 At sinabi ni Noemi, Kayo’y magsibalik, mga anak ko: bakit kayo’y yayaong kasama ko? may mga anak pa ba ako sa aking tiyan, Gen. 38:11;Deut. 25:5.na magiging inyong mga asawa?
12 Kayo’y magsibalik, mga anak ko, magpatuloy kayo ng inyong lakad; sapagka’t ako’y totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa. Kung aking sabihin, Ako’y may pagasa, kung ako’y magkaasawa man ngayong gabi, at ako’y magkakaanak man;
13 Maghihintay kaya kayo hanggang sa sila’y lumaki? magbabawa kaya kayo na magkaasawa? huwag, mga anak ko: sapagka’t daramdamin kong mainam dahil sa inyo, sapagka’t ang Job 19:21;Awit 32:4;38:2;39:9-10.kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin.