Si Ruth ay nagsabi kay Booz na gawin ang bahagi ng pagkakamaganak.
1 At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng Ruth 1:9.kapahingahan, na ikabubuti mo?
4 At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.
9 At sinabi niya, Sino ka? At siya’y sumagot, Ako’y si Ruth, na iyong lingkod: Deut. 22:30;Ezek. 16:8.iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka’t ikaw ay malapit na Ruth 2:20.kamaganak.
10 At kaniyang sinabi, Ruth 2:20.Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.
11 At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka’t buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na Kaw. 12:4;31:10.ikaw ay isang babaing may bait.
12 At tunay nga na ako’y kamaganak na malapit; gayon man ay may Ruth 4:1.kamaganak na lalong malapit kay sa akin.
13 Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na Deut. 25:5.kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay Ruth 4:5,7;Huk. 8:19;1 Sam. 14:39;2 Sam. 12:5;Jer. 4:2;5:2.mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni’t kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.
15 At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya’y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya’y pumasok sa bayan.