14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon Joel 2:11.ay malapit na, tal. 7.malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga’y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay Hab. 3:4.sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan Jer. 4:19.ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.
17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila’y magsisilakad na Deut. 28:29;Is. 59:10.parang mga bulag, sapagka’t sila’y nangagkasala laban sa Panginoon; at Awit 79:3.ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain Zef. 3:8.ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka’t tal. 2, 3.wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.