1 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng Jer. 25:38.mapagpighating kamay!
2 Siya’y hindi sumunod sa tinig; siya’y hindi napasaway; siya’y hindi tumiwala sa Panginoon; siya’y hindi lumapit sa kaniyang Dios.
3 Ang mga prinsipe niya Ezek. 22:27.sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga Hab. 1:8.lobo sa gabi; sila’y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.
4 Ang kaniyang mga propeta ay mga Jer. 23:32.walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, Ezek. 22:26.sila’y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.
5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya’y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga’y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya’y hindi nagkukulang; nguni’t ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.
6 Ako’y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa’t walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa’t walang tao, na anopa’t walang tumatahan.
7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; Jer. 7:3,7;25:5.sa gayo’y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni’t sila’y 2 Cron. 36:15.bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.
8 Kaya’t Hab. 2:3.hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako’y bumangon sa panghuhuli; sapagka’t ang aking pasiya ay Joel 3:2.pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga’y ang aking buong mabangis na galit; sapagka’t ang buong lupa ay sasakmalin, Zef. 1:18.ng silakbo ng aking paninibugho.
9 Sapagka’t akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.
10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga’y ang anak na babae ng Deut. 4:27;28:64.aking pinapangalat, ay magdadala ng handog Awit 68:29;Mal. 1:11.sa akin.
11 Sa araw na yao’y Is. 54:4.hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka’t kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at Jer. 7:4;Mik. 3:11.hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
12 Nguni’t aking iiwan sa gitna mo ang isang Zac. 11:7,11.nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila’y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.
13 Ang nalabi Zef. 2:7.sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, Apoc. 14:5.ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka’t sila’y magsisikain at magsisihiga, Is. 17:2.at walang takot sa kanila.
14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.
15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga’y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, Is. 35:3;Heb. 12:12.huwag manghina ang iyong mga kamay.
17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya’y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya’y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya’y magagalak sa iyo na may pagawit.
18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila’y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.
19 Narito, tal. 11.sa panahong yao’y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at Mik. 4:6,7.aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.
20 Sa panahong yao’y Is. 2:7.aking ipapasok kayo, at sa panahong yao’y aking pipisanin kayo; sapagka’t aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, Zef. 2:7.pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.