Pular para o conteúdo
Publicidade

Tito 1:5-9

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

5 1 Tim. 1:3.Dahil dito’y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at Gawa 14:23;2 Tim. 2:2.maghalal ng 1 Tim. 5:17,19.mga matanda sa bawa’t bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;

6 1 Tim. 3:2-4.Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.

7 Sapagka’t dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya’y 1 Cor. 4:1,2.katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;

8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;

9 Na 1 Tim. 1:19;2 Tim. 1:13;3:14.nananangan sa 1 Tim. 1:15.tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    5 Iniwan kita sa Creta upang tapusin ang mga gawaing hindi ko natapos, at pumili ng mga pinuno ng iglesya sa bawat bayan, gaya ng bilin ko saʼyo. 6 Piliin mo ang taong walang kapintasan, tapat sa kanyang asawa, mananampalataya ang kanyang mga anak at hindi sila napaparatangang nanggugulo o matigas ang ulo. 7 Sapagkat ang isang tagapangasiwa1:7 tagapangasiwa: O kayaʼy obispo. ng iglesya ng Diyos ay kailangang walang kapintasan; hindi siya mayabang, hindi madaling magalit, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman sa pera. 8 Sa halip, bukás dapat ang kanyang tahanan sa kapwa, maibigin sa kabutihan, mahinahon, matuwid, banal at marunong magpigil sa sarili. 9 Dapat ay pinanghahawakan niyang mabuti ang mapagkakatiwalaang mensahe na itinuro sa kanya, upang maituro din niya sa iba ang tamang katuruan at maituwid ang mga sumasalungat dito.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Tito
Ver todos os capítulos de Tito