1 Nguni’t magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na 1 Tim. 1:10.magaling:
2 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, 1 Tim. 3:4.mahusay, mahinahon ang pagiisip, Tit. 1:13.magagaling sa 2 Tim. 3:10.pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
3 Na gayon din ang matatandang babae 1 Tim. 2:9.ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na 1 Tim. 5:14.magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang 1 Tim. 6:1.salita ng Dios:
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila’y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, 1 Tim. 6:3.na di mahahatulan; 1 Ped. 2:12.upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
9 Iaral mo sa mga Ef. 6:5;1 Tim. 6:1,2.alipin na sila’y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay tal. 7;1 Tim. 6:1.ang aral ng Dios na Tit. 1:3.ating Tagapagligtas.
11 Sapagka’t napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan 1 Juan 2:16.at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13 Na hintayin yaong Col. 1:5,23.mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng Col. 3:4.kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14 Na siyang Rom. 4:25.nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, 1 Tim. 2:6.upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili Ex. 19:5;1 Ped. 2:9.ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. 1 Tim. 4:12.Sinoman ay huwag humamak sa iyo.