Publicidade

Tito 3

1 Ipaalala mo sa kanilang Rom. 13:1;1 Tim. 2:2.pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa’t gawang mabuti,

2 Na huwag magsalita ng masama tungkol Ef. 4:31.sa kanino man, na 1 Tim. 3:3;2 Tim. 2:24,25.huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.

3 Sapagka’t tayo rin naman nang unang panahon Ef. 5:8.ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo’y nangagkakapootan.

4 Nguni’t nang mahayag na Ef. 2:7.ang kagandahang-loob ng Tit. 1:3.Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,

5 Na Rom. 3:20,28;Ef. 2:9.hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi Ef. 2:4.ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan Juan 3:5;Ef. 5:26.ng paghuhugas sa Mat. 19:28.muling kapanganakan at ng Rom. 12:2.pagbabago sa Espiritu Santo,

6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana Rom. 5:5.sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;

7 Upang, sa Rom. 3:24.pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, Rom. 8:17.ay maging tagapagmana tayo Tit. 1:2.ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.

8 Tapat ang pasabi, 1 Tim. 1:15;Tit. 1:9.at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:

9 Nguni’t ilagan mo 1 Tim. 1:4;2 Tim. 2:16.ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka’t ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.

10 Ang taong may maling pananampalataya 1 Cor. 11:19.pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;

11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala 1 Tim. 5:24.at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.

12 Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si Gawa 20:4.Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka’t pinasiyahan kong doon matira sa taginaw.

13 Suguin mong may sikap si Zenas na Mat. 22:35.tagapagtanggol ng kautusan at si Gawa 18:24.Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila’y huwag kulangin ng ano man.

14 At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa Ef. 4:28.sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga.

15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.

Veja também

Tito
Ver todos os capítulos de Tito
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-