Pular para o conteúdo
Publicidade

Zacarias 10

Ang Israel at ang Juda ay pagpapalain ng Panginoon.

1 Hingin ninyo sa Panginoon ang Deut. 11:14.ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa’t isa’y ng damo sa parang.

2 Sapagka’t ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at Jer. 27:9.ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at Jer. 23:25.sila’y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila’y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya’t sila’y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila’y nadadalamhati, Ezek. 34:5;Mat. 9:36.sapagka’t walang pastor.

3 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan Is. 14:9.ang mga lalaking kambing; sapagka’t dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.

4 Sa kaniya lalabas ang Awit 118:22.batong panulok, sa kaniya ang Is. 22:23.pako, sa kaniya Zac. 9:13.ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa’t pinuno na magkakasama.

5 At sila’y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila’y magsisilaban, sapagka’t ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.

6 At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka’t ako’y naawa sa kanila; at sila’y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka’t ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila.

7 At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay Awit 104:15;Zac. 9:15.mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito’y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon.

Titipunin ng Panginoon ang kaniyang nangalat na bayan.

8 Aking susutsutan Is. 5:26.sila, at sila’y pipisanin; sapagka’t aking tinubos sila; at sila’y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami.

9 At aking pangangalatin Os. 2:23.sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako Deut. 30:1-3.sa mga malayong lupain; at sila’y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik.

10 Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila Is. 11:11;27:13;Os. 11:11.mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at Is. 49:20.walang dakong masusumpungan para sa kanila.

11 At siya’y Is. 11:15.magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay Ezek. 30:13.mawawala.

12 At aking palalakasin sila sa Panginoon; at Mik. 4:5.sila’y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.

Veja também