Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Colosas 3:12-15

OASD Ang Salita ng Diyos

12 Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. 13 Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

15 Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 Mangagbihis nga kayo Fil. 2:1.gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, Ef. 4:2,32.ng isang pusong mahabagin, ng Ef. 4:2.kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

    13 Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at Col. 2:2.mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:

    14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay Rom. 6:13.mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

    15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, Fil. 4:7.na diya’y tinawag din naman kayo Ef. 2:16.sa isang katawan; at kayo’y maging mapagpasalamat.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Colossenses
Ver todos os capítulos de Colossenses