Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Colosas 3:12-21

12 Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. 13 Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

15 Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

16 Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo. 17 At anuman ang inyong gawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo sa pangalan ng Panginoong Hesus nang may pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.

Mga Tuntunin sa Sambahayang Mananampalataya

18 Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.

19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

20 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.

21 Mga magulang,3:21 Mga magulang: Sa literal, Mga ama. huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Colossenses
Ver todos os capítulos de Colossenses