Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Colosas 3:22-25

OASD Ang Salita ng Diyos

22 Mga alipin, sundin ninyo sa lahat ng bagay ang inyong mga amo dito sa lupa, hindi lang dahil nakatingin sila at nais ninyong malugod sila sa inyo, kundi gawin ninyo ito nang buong puso at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. 24 Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran. 25 Ang sinumang gumagawa ng masama ay parurusahan ayon sa kasalanan niya, dahil ang Diyos ay walang pinapaboran.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    22 Ef. 6:5,6.Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:

    23 Anomang inyong ginagawa, Ef. 6:8.ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

    24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay Ef. 6:8.tatanggapin ninyo ang ganting Mat. 25:34.mana; sapagka’t naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.

    25 Sapagka’t ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; Ef. 6:9.at walang itinatanging mga tao.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Colossenses
Ver todos os capítulos de Colossenses