9 Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain, 10 at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Diyos na lumikha nito, upang maging katulad niya tayo at upang makilala natin siya nang lubusan. 11 Dahil dito, wala nang ipinagkaiba ang Hudyo sa Hentil, ang tuli sa hindi tuli, ang barbaro, ang hindi sibilisado, ang alipin, at ang malaya. Si Kristo na ang kabuuan ng lahat, at siyaʼy nasa ating lahat.