3 Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Diyos at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.9:3 nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo: Itoʼy ginagawa ng mga Hudyo upang ipakita na nalulungkot sila at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 4 Nanalangin ako sa Panginoon na aking Diyos at humingi ng tawad:
"Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Diyos. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos. 5 Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin.
Ang Pitumpung "Pito"
20 Habang akoʼy nagsasalita at nananalangin at ipinapahayag ang aking kasalanan at ang kasalanan ng aking mga kababayang Israelita. Nagmakaawa ako sa Panginoon kong Diyos alang-alang sa kanyang banal na bundok.