Pular para o conteúdo
Publicidade

Ester 5:3,4,8,14

OASD Ang Salita ng Diyos

3 Nagtanong ang hari sa kanya, "Ano ang kailangan mo Mahal na Reyna? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng aking kaharian."

4 Sumagot si Ester, "Mahal na Hari, kung ibig po ninyo, inaanyayahan ko po kayo at si Haman sa piging na ihahanda ko para sa inyo."

8 kung mamarapatin po ninyo at gusto ninyong ibigay ang kahilingan ko, minsan ko pa po kayong inaanyayahan at si Haman sa hapunan na ihahanda ko para sa inyo bukas. At saka ko po sasabihin ang kahilingan ko sa inyo."

14 Sinabi sa kanya ni Zeres na kanyang asawa at ng kanyang mga kaibigan, "Bakit hindi ka magpagawa ng matulis na kahoy na pitumpuʼt limang talampakan ang taas. At bukas ng umaga, hilingin mo sa hari na ituhog doon si Mordecai para maging maligaya kang kasama ng hari sa inihandang hapunan." Nagustuhan iyon ni Haman kaya nagpagawa siya niyon.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    3 Nang magkagayo’y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo tal.6;Est. 7:2;Mar. 6:23.kahit kalahati ng kaharian.

    4 At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.

    8 Kung ako’y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari.

    14 Nang magkagayo’y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo’y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.