Pinarangalan si Mordecai
1 Kinagabihan, hindi makatulog si Haring Asuero, kaya ipinakuha niya ang aklat tungkol sa kasaysayan ng kaharian niya at ipinabasa habang nakikinig siya. 2 Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkakatuklas ni Mordecai sa plano nina Bigtan at Teres na patayin si Haring Asuero. Sina Bigtan at Teres ay mga lingkod ng hari. Sila ang guwardiya ng pintuan ng kuwarto ng hari.
3 Sa nabasang iyon, nagtanong ang hari, "Anong gantimpala o parangal ang ginawa o ibinigay kay Mordecai dahil sa mabuting ginawa niya sa akin?"
Sinabi ng lingkod ng hari, "Wala po."
6 Nang naroon na si Haman, tinanong siya ng hari, "Ano ang mabuting gawin sa taong nais parangalan ng hari?"
Ang akala ni Haman ay siya ang tinutukoy ng hari na pararangalan.
10 Sinabi ng hari kay Haman, "Sige, ipakuha mo ang isa sa aking mga damit at kabayo ko, at gawin mo ang lahat ng sinabi mo kay Mordecai, ang Hudyong nakaupo sa pintuan ng aking palasyo. Tiyakin mo na matutupad ang lahat ng sinabi mo."
11 Kaya kinuha ni Haman ang damit ng hari at isinuot kay Mordecai, at isinakay sa kabayo ng hari at inilibot sa lungsod habang sumisigaw siya, "Ganito ang ginagawa sa taong pinararangalan ng hari."