Pular para o conteúdo
Publicidade

Malakias 3:7-11

OASD Ang Salita ng Diyos

7 Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik3:7 manunumbalik: O tutulong. ako sa inyo," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

"Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’

8 "Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako.

"At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’

"Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu3:8 ikapu: Tungkulin ng mga Israelita na magbigay sa Panginoon ng ikapu ng kanilang mga ani at mga hayop (Lev. 27:30-33; Deu. 14:22-29). at mga handog. 9 Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. 10 Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. "Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan3:10 padadalhan … ulan: Sa literal, bubuksan ko ang mga bintana ng langit. Tingnan ang kahulugan nito sa Gen. 7:11. at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala. 11 Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas bago pa mahinog ang mga ito," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    7 Gawa 7:51;Ex. 19:5;1 Ped. 2:9.Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo’y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Zac. 1:3.Manumbalik kayo sa akin, at ako’y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Mal. 1:6.Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?

    8 Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Neh. 13:10,12.Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

    9 Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa.

    10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng Awit 111:5.pagkain sa aking bahay, at 2 Cor. 9:6-8.subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

    11 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; Jer. 8:13.ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Malaquias
Ver todos os capítulos de Malaquias