Ang Ina at mga Kapatid ni Hesus
46 Habang nagsasalita pa si Hesus sa mga tao, ang kanyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas at gustong makipag-usap sa kanya. 47 May nagsabi sa kanya, "Nasa labas ang po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makausap."
48 Sumagot si Hesus, "Sino ang aking ina at mga kapatid?" 49 Itinuro niya ang mga alagad niya at sinabi, "Sila ang aking ina at mga kapatid. 50 Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid."