Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 12:9-14

OASD Ang Salita ng Diyos

9 Mula sa lugar na iyon, pumunta si Hesus sa sinagoga 10 at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?"

11 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon? 12 Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."

13 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga niya ang kanyang kamay at gumaling ito. 14 Ngunit umalis ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila ipapapatay si Hesus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    9 At siya’y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila:

    10 At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya’y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya’y kanilang maisumbong.

    11 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?

    12 Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya’t matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.

    13 Nang magkagayo’y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa.

    14 Datapuwa’t nagsialis ang mga Fariseo, at nangagpulong laban sa kaniya, kung papaanong siya’y maipapupuksa nila.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.