Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 13

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo

36 Pagkatapos, iniwan ni Hesus ang mga tao at bumalik sa loob ng bahay. Nilapitan siya ng mga alagad niya at sinabi, "Pakipaliwanag po sa amin ang talinghaga tungkol sa mga damo sa bukid."

37 Sumagot si Hesus, "Ang naghasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ang Anak ng Tao. 38 Ang bukid ay ang mundo, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Diyos. Ang mga damo naman ay ang mga taong sakop ni Satanas. 39 Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. Ang anihan ay ang katapusan ng mundo, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel.

40 "Kung paanong binubunot at sinusunog ang mga damo, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. 41 Ang Anak ng Tao ay magpapadala ng mga anghel, at aalisin nila sa kanyang kaharian ang lahat ng gumagawa ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. 42 Itatapon sila sa nagliliyab na apoy, kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin.13:42 Magngangalit ang kanilang ngipin: Maaaring dahil sa galit o hinagpis. 43 Ngunit ang matutuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang sinumang may pandinig!

Veja também