Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 13:53-58

OASD Ang Salita ng Diyos

Hindi Tinanggap si Hesus sa Nazaret

53 Pagkatapos mangaral ni Hesus sa pamamagitan ng mga talinghaga ay umalis na siya. 54 Pumunta siya sa sarili niyang bayan at nangaral doon sa kanilang sinagoga. Namangha sa kanya ang mga kababayan niya. Sinabi nila, "Saan kaya niya nakuha ang karunungang iyan at ang kapangyarihang gumawa ng himala? 55 Hindi baʼt anak siya ng karpintero? Hindi baʼt si ang kanyang ina at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? 56 Hindi baʼt ang lahat ng kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin? Saan niya nakuha ang ganyang kakayahan?" 57 At hindi nila siya pinaniwalaan.

Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, "Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban lang sa sarili niyang bayan at pamilya."

58 Kaya hindi gumawa si Hesus ng maraming himala roon dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.

Pessoa
G3137
Maria
ΜαρίαMariaמִרְיָםmirəyam
Maria, virgem de Nazaré prometida em casamento a José, foi a mãe de Jesus, que concebeu pelo Espírito Santo, e esteve junto à cruz do filho (Lucas 1:27).
Significado: “Amada, senhora”
Ver página completa

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.

    54 At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

    55 Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid?

    56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?

    57 At siya’y kinatisuran nila. Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.

    58 At siya’y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.