25 Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26 Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng "Multo!" dahil sa matinding takot.
27 Ngunit agad na nagsalita si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."