Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 16:13,16,21-24,28

13 Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?"

16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."

21 Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa mga alagad niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

22 Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at sinabihan, "Huwag sanang ipahintulot ng Diyos, Panginoon! Hindi ito kailanman mangyayari sa inyo!"

23 Hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi, "Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!"

24 At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.

28 "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.