15 Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"
16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."
17 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.