Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 16

Ang Pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo

5 Nang makatawid sina Hesus sa lawa, naalala ng mga alagad niyang hindi sila nakapagbaon ng kahit anong tinapay. 6 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Mag-ingat kayo sa pampaalsa16:6 pampaalsa: Ang tinutukoy ni Hesus dito ay ang masasamang ugali ng mga Pariseo at mga Saduceo na maaaring makahawa sa kanila. ng mga Pariseo at mga Saduceo."

7 Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.

8 Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, "Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay? 9 Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang limang libong tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 10 Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay upang mapakain ang apat na libong tao, at kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 11 Hindi ba ninyo naiintindihang hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo?’ " 12 At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.

Veja também