Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 17:1-13

Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus

1 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan sa isang mataas na bundok nang sila-sila lang. 2 At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag. 3 Biglang nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.

4 Sinabi ni Pedro kay Hesus, "Panginoon, mabutiʼt narito tayo. Kung gusto nʼyo po, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias."

5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nabalot sila ng nakakasilaw na ulap. At may narinig silang tinig mula sa mga ulap na nagsasabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!"

6 Nang marinig iyon ng mga alagad, nagpatirapa sila sa takot. 7 Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinawakan. Sinabi niya, "Tumayo kayo. Huwag kayong matakot." 8 Pagtingin nila, wala na silang ibang nakita kundi si Hesus na lang.

9 Nang pababa na sila sa bundok, sinabihan sila ni Hesus, "Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang inyong nakita hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling binubuhay."

10 Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, "Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Mesias?"

11 Sumagot si Hesus, "Totoo ʼyan, kailangan ngang dumating muna si Elias para ihanda ang lahat ng bagay. 12 Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila." 13 At naunawaan ng mga alagad niya na ang tinutukoy niyaʼy si Juan na Tagapagbautismo.

Pinagaling ni Hesus ang Batang Sinasapian ng Demonyo

(Mar. 9:14-29; Luc. 9:37-43)

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.