Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 17:9-13

OASD Ang Salita ng Diyos

9 Nang pababa na sila sa bundok, sinabihan sila ni Hesus, "Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang inyong nakita hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling binubuhay."

10 Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, "Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Mesias?"

11 Sumagot si Hesus, "Totoo ʼyan, kailangan ngang dumating muna si Elias para ihanda ang lahat ng bagay. 12 Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila." 13 At naunawaan ng mga alagad niya na ang tinutukoy niyaʼy si Juan na Tagapagbautismo.

Pinagaling ni Hesus ang Batang Sinasapian ng Demonyo

(Mar. 9:14-29; Luc. 9:37-43)

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    9 Mar. 9:9-13.At habang sila’y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos Mat. 16:20.sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.

    10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Mat. 11:14.Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?

    11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at Mal. 4:6;Gawa 1:6.isasauli ang lahat ng mga bagay:

    12 Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, Mat. 14:3,10.kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.

    13 Nang magkagayo’y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila’y sinasabi niya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.