Ang Pinakadakila sa Kaharian ng Langit
1 Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?"
2 Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, 3 at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit. 5 At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.
Mga Dahilan ng Pagkakasala
(Mar. 9:42-48; Luc. 17:1-2)
10 "Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [