Si Hesus at ang Maliliit na Bata
13 May mga taong nagdala ng maliliit na bata kay Hesus para ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit sinaway sila ng mga alagad ni Hesus.
14 Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit." 15 Ipinatong nga niya ang kanyang kamay sa mga bata at pinagpala niya sila, at pagkatapos nitoʼy umalis siya.