Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 20:20-28

Ang Kahilingan ng Isang Ina

20 Pagkatapos nito, lumapit kay Hesus ang ina ni Santiago at ni Juan na mga anak ni , kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya kay Hesus dahil may gusto siyang hilingin.

21 Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang gusto mo?"

Sumagot siya, "Kung maaari po sana, kapag naghahari na kayo, paupuin nʼyo ang dalawa kong anak sa tabi nʼyo; isa sa kanan at isa sa kaliwa."

22 Ngunit sinagot sila ni Hesus, "Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?"

Sumagot sila, "Opo, kaya namin."

23 Sinabi ni Hesus, "Maaaring iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o sa kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan ng aking Ama."

24 Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi ng magkapatid, nagalit sila sa mga ito. 25 Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, "Alam ninyong ang mga pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit anoʼng gustuhin nila ay nasusunod. 26 Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. 27 At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo. 28 Maging ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para maligtas ang maraming tao."

Pessoa
G2199
Zebedeu
ΖεβεδαῖοςZebedai͂osזַבְדִּיzavədiy
Zebedeu, pescador da Galileia, foi o pai dos apóstolos Tiago e João, que deixaram o barco e o pai para seguir Jesus (Mateus 4:21).
Significado: “O Senhor concede”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.