Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 20

Pinagaling ni Hesus ang Dalawang Bulag

29 Nang papaalis na sa Jerico si Hesus at ang kanyang mga alagad, sinundan sila ng napakaraming tao. 30 Samantala, may dalawang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Hesus, sumigaw sila, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!"

31 Ngunit sinaway sila ng mga tao at pinagsabihang manahimik. Ngunit lalo pa nilang nilakasan ang kanilang pagsigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!"

32 Tumigil si Hesus, tinawag sila, at tinanong, "Ano ang gusto ninyong gawin ko sa inyo?"

33 Sumagot sila, "Panginoon, gusto po naming makakita."

34 Naawa si Hesus sa kanila, kaya hinipo niya ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita at sumunod kay Hesus.

Veja também