Ang Talinghaga tungkol sa Handaan sa Kasal
1 Muling nagsalita sa kanila si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, 2 "Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang hari na naghanda ng salo-salo para sa kasal ng anak niyang lalaki. 3 Sinugo niya ang kanyang mga alipin para tawagin ang mga inimbitahan sa kasalan, ngunit ayaw nilang dumalo.
4 "Sinugo niya ang iba pang mga alipin para sabihin sa mga inimbitahan, ‘Handa na ang lahat; nakatay na ang aking mga baka at iba pang pinatabang hayop. Nakahanda na ang pagkain kaya halina kayo!’
5 "Ngunit hindi ito pinansin ng mga inimbitahan. Ang ibaʼy pumunta sa bukid nila, at ang ibaʼy inasikaso ang negosyo nila. 6 Ang iba namaʼy sinunggaban ang mga alipin ng hari, hiniya, at pinatay. 7 Kaya galit na galit ang hari sa ginawa nilang ito. Sinugo niya ang kanyang mga sundalo para patayin ang mga pumatay sa kanyang mga alipin at sunugin ang lungsod ng mga ito.
8 "Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal, ngunit hindi karapat-dapat pumunta ang aking mga naimbitahan. 9 Pumunta na lang kayo sa mga pangunahing lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’ 10 Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.