Ang Katanungan tungkol sa Mesias
41 Habang nagkatipon-tipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Hesus, 42 "Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Mesias? Kaninong angkan siya nagmula?"
Sumagot sila, "Kay David."
43 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Kung gayon, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, sa patnubay ng Espiritu? Ito ang sinabi niya,
44 ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon:
"Umupo ka rito sa aking kanan
hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban." ’22:44 Salmo 110:1.
45 Kung tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, paano siya naging lahi lang ni David?" 46 Wala ni isa mang nakasagot sa tanong ni Hesus. Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.