23 Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Mesias!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat lilitaw ang mga di-tunay na Mesias at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na tanda at kababalaghan para manlinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Diyos. 25 Tandaan ninyo ang mga ito! Binibigyan ko na kayo ng babala habang hindi pa nangyayari ang mga ito.
26 "Kaya kung may magsabi sa inyo, ‘Naroon ang Mesias sa ilang!’ huwag kayong pupunta roon. At kung may magsabing, ‘Nariyan siya sa silid!’ huwag kayong maniniwala.