Publicidade

Mateus 24

Walang Nakakaalam ng Araw o Oras

36 "Subalit walang nakakaalam tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos24:36 o ang Anak ng Diyos: Wala ito sa ilang mga manuskrito.. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 37 Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ng Anak ng Tao. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-