Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 26:17-25

Ang Huling Hapunan

17 Nang dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad ni Hesus at nagtanong, "Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?"

18 Sumagot si Hesus, "Pumunta kayo sa Jerusalem, doon sa taong binanggit ko sa inyo, at sabihin ninyo sa kanya, ‘Ipinasasabi ng Guro: Ang aking oras ay malapit na. Ako at aking mga alagad ay maghahapunan para ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa iyong bahay.’ " 19 Sinunod nila ang utos ni Hesus, at inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

20 Kinagabihan, naghapunan si Hesus at ang kanyang labindalawang alagad. 21 Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus sa kanila, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang isa sa inyo ay magkakanulo sa akin."

22 Nalungkot sila nang marinig iyon, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, "Panginoon, hindi po ako iyon, di po ba?"

23 Sumagot siya, "Ang kasabay kong magsasawsaw ng tinapay sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. 24 Ang Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ngunit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na siya ipinanganak."

25 Nagtanong din si na siyang magkakanulo sa kanya, "Rabbi, ako po ba iyon?"

Sumagot si Hesus, "Ikaw na ang nagsabi."

Pessoa
G2492a
Judas
ἸούδαςI̓oúdasיְהוּדָ֑הyəhudah
Judas Iscariotes, filho de Simão, foi um dos Doze e traiu Jesus: foi ter com os chefes dos sacerdotes, chegou com uma multidão armada e beijou Jesus (Mateus 26:49).
Significado: “Louvado”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.