Sinabi ni Hesus na Ikakaila Siya ni Pedro
31 Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Iiwan ninyo akong lahat ngayong gabi, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan:
‘Papatayin ko ang pastol
at magsisipangalat ang mga tupa.’26:31 Zac. 13:7.
32 Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea."
33 Sinabi ni Pedro kay Hesus, "Kahit iwanan kayo ng lahat, hinding-hindi ko po kayo iiwan."
34 Sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako."
35 Sinabi ni Pedro, "Hinding-hindi ko po kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo." At ganoon din ang sinabi ng iba pang mga alagad.