Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 26:47-56

Ang Pagdakip kay Hesus

47 Nagsasalita pa si Hesus nang dumating si na isa sa labindalawang alagad. Marami siyang kasama na may dalang mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. 48 Ganito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Hesus: "Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya." 49 Lumapit si kay Hesus at bumati, "Magandang gabi sa iyo, Rabbi!" saka hinalikan siya.

50 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo rito."

Kaya lumapit ang mga tao at dinakip si Hesus. 51 Bumunot ng espada ang isa sa mga alagad ni Hesus at tinaga ang alipin ng punong pari, at natagpas ang tainga nito.

52 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ibalik mo ang iyong espada sa lalagyan nito! Ang gumagamit ng espada ay sa espada rin mamamatay. 53 Hindi mo ba alam na puwede akong humingi ng tulong sa aking Ama, at kaagad niya akong padadalhan ng labindalawang batalyon ng mga anghel? 54 Ngunit kung gagawin ko iyon, paano matutupad ang Kasulatan na nagsasabing ito ang dapat mangyari?"

55 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga tao, "Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo para dakpin ako? Araw-araw akong nasa Templo at nagtuturo. Bakit hindi ninyo ako doon dinakip? 56 Ngunit nangyari ang lahat ng ito para matupad ang isinulat ng mga propeta." Iniwan siya noon din ng mga alagad niya at nagsitakas sila.

Pessoa
G2492a
Judas
ἸούδαςI̓oúdasיְהוּדָ֑הyəhudah
Judas Iscariotes, filho de Simão, foi um dos Doze e traiu Jesus: foi ter com os chefes dos sacerdotes, chegou com uma multidão armada e beijou Jesus (Mateus 26:49).
Significado: “Louvado”
Ver página completa
Pessoa
G2492a
Judas
ἸούδαςI̓oúdasיְהוּדָ֑הyəhudah
Judas Iscariotes, filho de Simão, foi um dos Doze e traiu Jesus: foi ter com os chefes dos sacerdotes, chegou com uma multidão armada e beijou Jesus (Mateus 26:49).
Significado: “Louvado”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.