Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 26:57-68

Dinala si Hesus sa harap ng Sanhedrin

57 Dinala si Hesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ng punong pari na si Caifas. Doon ay nagkatipon-tipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga pinuno ng mga Hudyo. 58 Sumunod din si doon, ngunit malayo-layo siya kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya para malaman kung ano ang mangyayari kay Hesus.

59 Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya kahit hindi totoo laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan. 60 Ngunit wala silang nakuha, kahit marami pa ang lumapit at sumaksi ng kasinungalingan.

Nang bandang huli, may dalawang lalaking lumapit 61 at nagsabi, "Sinabi ng taong ito na kaya niyang gibain ang Templo ng Diyos at sa loob ng tatlong araw ay itatayo niya itong muli."

62 Tumayo ang punong pari at tinanong si Hesus, "Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na iyan laban sa iyo?" 63 Hindi sumagot si Hesus.

Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, "Sa ngalan ng buháy na Diyos, sabihin mo sa amin ngayon: Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Diyos?"

64 Sumagot si Hesus, "Ikaw na mismo ang nagsabi. At nais kong sabihin sa inyong lahat na mula ngayon ay makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siyang dumarating mula sa ulap."

65 Nang marinig iyon ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, "Nilalapastangan niya ang Diyos! Kailangan pa ba natin ng mga saksi? Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos! 66 Ano ngayon ang hatol ninyo?"

Sumagot sila, "Dapat siyang mamatay."

67 Dinuraan nila si Hesus sa mukha at binugbog. Sinampal naman siya ng iba, 68 at sinabi, "Kung ikaw ang Mesias, hulaan mo nga kung sino ang sumampal sa iyo!"

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.