Nagbigti si Hudas
1 Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo kung paano nila maipapatay si Hesus. 2 Kaya iginapos nila si Hesus at dinala kay Gobernador Pilato.
Si Hesus sa harap ni Pilato
11 Nang madala na si Hesus kay Pilato, tinanong siya nito, "Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?"
Sumagot si Hesus, "Ikaw na ang nagsabi."
12 Ngunit hindi sumagot si Hesus sa mga paratang ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. 13 Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, "Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?" 14 Ngunit hindi pa rin sinagot ni Hesus ni isa sa mga paratang nila sa labis na pagtataka ng gobernador.