Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 27:27-31

OASD Ang Salita ng Diyos

Hinamak ng mga Sundalo si Hesus

27 Dinala ng mga sundalo si Hesus sa loob ng palasyo ng gobernador, at nagtipon ang buong batalyon ng mga sundalo sa paligid niya. 28 Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. 29 Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, "Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!" 30 Dinuraan nila si Hesus at kinuha ang tungkod na hawak niya at paulit-ulit nilang inihampas sa kanyang ulo. 31 Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila sa kanya ang kapa at isinuot muli sa kanya ang damit niya. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod para ipako sa krus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    27 Nang magkagayo’y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.

    28 At siya’y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube.

    29 At sila’y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila’y nagsiluhod sa harap niya at siya’y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!

    30 At siya’y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.

    31 At nang siya’y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.