55 Sa di-kalayuan ay maraming babae ang nanonood sa mga pangyayari. Noong umalis si Hesus sa Galilea, sumunod ang mga babaeng ito sa kanya at tinulungan siya sa kanyang mga pangangailangan. 56 Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang asawa ni Zebedeo.
Ang Paglilibing kay Hesus
(Mar. 15:42-47; Luc. 23:50-56; Juan 19:38-42)