Ang Paglilibing kay Hesus
57 Nang magtatakip-silim na, isang mayamang lalaki na taga-Arimatea ang dumating. Siya si Jose na isa ring alagad ni Hesus. 58 Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. At iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. 59 Kaya kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng malinis na telang lino. 60 Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato para takpan ang pintuan ng libingan, at saka umalis. 61 Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.