Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 5:38-48

Ang Katuruan tungkol sa Paghihiganti

38 "Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.5:38 Exo. 21:24; Lev. 24:20; Deu. 19:21.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa. 40 Kung ihabla ka ng sinuman at kunin ang iyong damit, ibigay mo na rin pati ang iyong balabal. 41 Kung may pipilit saʼyo na pasanin ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. 42 Bigyan mo ang sinumang nanghihingi sa iyo, at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo."

Ang Katuruan tungkol sa Pagmamahal sa Kaaway

43 "Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mahalin mo ang iyong kapwa,5:43 Lev. 19:18. at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo. 45 Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid. 46 Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Diyos? Hindi baʼt ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang inyong kapwa lamang ang inyong binabati, may nagawa ba kayong nakahihigit sa iba? Hindi baʼt ginagawa rin ʼyan ng mga Hentil? 48 Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit."

Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.