Ang Katuruan tungkol sa Pagtulong sa Nangangailangan
1 "Mag-ingat kayo at baka ang paggawa ninyo ng mabuti ay pakitang-tao lamang. Sapagkat kung ganyan ang ginagawa ninyo, wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit.
2 "Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kung magbibigay kayo ng limos, huwag ninyong ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng inyong kanang kamay, 4 upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo."
Ang Katuruan tungkol sa Pananalangin
(Luc. 11:2-4)