Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 6:1-6,16-18

Ang Katuruan tungkol sa Pagtulong sa Nangangailangan

1 "Mag-ingat kayo at baka ang paggawa ninyo ng mabuti ay pakitang-tao lamang. Sapagkat kung ganyan ang ginagawa ninyo, wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit.

2 "Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kung magbibigay kayo ng limos, huwag ninyong ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng inyong kanang kamay, 4 upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo."

Ang Katuruan tungkol sa Pananalangin

(Luc. 11:2-4)

5 "Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Gustong-gusto nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto ng lansangan para makita sila ng ibang tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila nang buo ang kanilang gantimpala. 6 Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.

Ang Katuruan tungkol sa Pag-aayuno

16 "Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magkunwaring malungkot katulad ng mga pakitang-tao. Sapagkat sinasadya nilang hindi mag-ayos ng sarili para ipakita sa iba na nag-aayuno sila. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kung mag-aayuno kayo, mag-ayos kayo ng sarili at maghilamos, 18 upang hindi malaman ng iba na nag-aayuno kayo, maliban sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.

Ang Katuruan tungkol sa Kayamanan at Ari-arian

(Luc. 12:33-34)

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.