Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 6:26-30

OASD Ang Salita ng Diyos

26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? 27 Kaya ba ninyong dagdagan nang kahit isang oras man lang ang buhay ninyo sa pag-aalala ninyo?

28 "At bakit kayo nag-aalala kung ano ang isusuot ninyo? Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o nagtatahi ng damit. 29 Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng damit na kasingganda ng mga bulaklak na ito sa kabila ng kanyang karangyaan. 30 Kung ganito dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang, na buhay ngayon ngunit bukas ay itatapon sa apoy, kayo pa kaya? Tiyak na bibihisan niya kayo nang higit pa sa mga ito. Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    26 Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?

    27 At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag Awit 39:5.ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?

    28 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:

    29 Gayon ma’y sinasabi ko sa inyo, na kahit si 1 Hari 10:4-7.Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.

    30 Nguni’t kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa’y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh Mat. 8:26;14:31;16:8;Luc. 12:28.kayong mga kakaunti ang pananampalataya?

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.