19 May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, "Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta."
20 Sumagot si Hesus, "Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, at ang mga ibon ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao8:20 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili. ay walang tahanang mapagpapahingahan."
21 Isa pa sa mga alagad niya ang nagsabi, "Panginoon, hayaan nʼyo muna akong umuwi para ilibing ang aking ama."
22 Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay."