Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 8:23-27

OASD Ang Salita ng Diyos

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo

23 Pagkatapos, sumakay sa bangka si Hesus, at sumáma ang mga alagad niya. 24 At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog. 25 Kaya nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising. Sumigaw sila, "Panginoon, iligtas nʼyo kami! Malulunod na tayo!"

26 Sumagot si Hesus, "Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya." Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat.

27 Namangha ang mga alagad niya at sinabi, "Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!"

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    23 At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.

    24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa’t inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa’t siya’y natutulog.

    25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya’y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami’y mangamamatay.

    26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo’y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.

    27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya?

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.