9 Umalis roon si Hesus at habang siyaʼy naglalakad, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo naman si Mateo at sumunod sa kanya.
10 Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Mateo, nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan at kumaing kasama nila. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang mga alagad ni Hesus, "Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?"
12 Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, "Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. 13 Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’9:13 Hos. 6:6. Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan."
Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno
(Mar. 2:18-22; Luc. 5:33-39)