2 Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag sila sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis.
5 maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing-bahay, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Diyos na ating itinuturo.
6 Gayundin naman, hikayatin mo ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.
12 Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,